Kinilala ng pulisya ang preso na nasawi sa Morong General Hospital na si Elizaldy Guiao, 37, ng Brgy. San Rafael ng naturang lugar.
Si Guiao ay namatay dahil sa pagsisikip ng dibidib matapos na gulpihin ng mga nakahuling traffic enforcer sa kasong snatching ng bag ni Edison Legaspi, 17, estudyante habang nakasakay sa isang pampasaherong jeep.
Nalalagay din sa balag ng alanganin sina Supt. Lebirato Elemos, Hepe ng Tanay police Station at Insp. Ruis Bernard, Warden ng Tanay BJMP dahil walang kaukulang medical certificate si Guiao bago ito ikulong sa nasabing piitan.
Ayon sa kasalukuyang umiiral na Special Operation Procedure (SOP), kinakailangan ipasuri muna sa ospital ang suspek na nasakote sa alinmang kaso bago ito ikulong subali't tinanggap pa rin ito nina Elemos at Bernard kahit na walang medical certificate.
Ayon sa ulat ng pulisya, namatay si Guiao isang araw matapos na ikulong sa nasabing kulungan dahil sa pagsisikip ng dibdib sanhi ng pagkakagulpi ng mga nakahuloing traffic enforcer na umano'y mga tauhan ni Tanay Mayor Tom Tanjuatco. (Ulat ni Danilo Garcia)