Suklam (96)

“Naaaktuhan ko sila sa kuwarto na nagta­talik. Si Vivian ay naihalin­tulad ko sa asong gutom na parang noon lamang nakakain ng karne. Hindi nila halos namalayan ang pagsususi at pagbubukas ko ng pinto. Nagdilim ang pani­ngin ko. Sinugod ko sila. Ti­nadyakan ko si Vivian. Pagkatapos ay nahagilap ko ang malaking bote ng pabango na nasa tokador at inihampas ko sa mukha ng drayber. Sa lakas ng pag­hampas, nabasag ang bote. Kasunod niyon ay nag­mamadali silang lumabas ng kuwarto.

“Hinabol ko pero hindi na sila inabutan. Isinara ko ang gate. Nagbalik ako sa loob ng bahay. Saka ko na­tuklasan, na nag-iisa talaga ako sa bahay. Wala ang aking anak at ang aming maid. Nahulaan ko, pinauwi ni Vivian ang aming maid sa probinsiya at isinama ang aking anak. Ginawa iyon ni Vivian para maging malaya sila sa paggawa ng kasalanan. Hindi nila inaasahan na uuwi ako ng gabing iyon.”

Tumigil sa pagsasalita si Julio at napansin ni Brent na namasa-masa ang gilid ng mga mata nito.

Nakadama ng awa si Brent sa kaibigan.

Pinahid ni Julio ang na­ma­lisbis na luha.

“Hindi kasi ako naniwala sa payo mo, eto ang napala ko. Hindi pala talaga dapat pagtiwalaan ang babaing minsan nang nangaliwa. Totoo pala!’’

(Itutuloy)

Show comments