“NAKAKAAWA ka naman Sam, wala ka sigurong maipampalit na damit. Paano ka papasok sa school? Di ba sabi mo ay may exams ka?†tanong ni Aya na alalang-alala kay Sam.
“Huwag mo akong intindihin, Aya. Madali lang bumili ng damit. Nilabhan ko ang uniporme ko para makapasok bukas. Saka na lang ako bibili ng damit.’’
“E nasaan ka ba ngayon, Sam?’’
“Dito lang sa Extredmadura St. Malapit sa Earnshaw?’’
“Ah oo, nakita ko na yan. Yung malapit din sa Forbes?’’
“Oo.’’
“Paano ka kumakain?’’
“Sa karinderya. Narito nga ako sa karinderya at kumakain. Mamaya pagbalik ko sa inuupahan ko e magre-research ako sa internet. Kasi yung mga exam ko bukas kukunin sa mga libro ko, e sabi mo sinira na ng demonyo…mabuti at nadala ko ang laptop ko. Kung hindi zero ako sa exam ko bukas. Ang hirap pa naman ng subjects ko.’’
“Yun ngang laptop mo ang agad kong naisip, mabuti pala at laging nasa backpack mo. Pag-alis na pag-alis mo kasi, pumasok sa room mo at pinaghahagis ang mga gamit. Nagmumura. Nakikituloy ka lang daw sa bahay niya e ikaw pa ang matapang. Huwag na huwag daw kayong magkikita at babarilin ka niya. Inilabas nga ang baril…lalo kaming natakot ni Mama.’’
“Hindi naman ako natatakot sa kanya. Kita mo nga at dalawang beses ko siyang naupakan. Sana tinatlo ko para nabalian ng tadyang.’’
“Takot na takot nga ako ng sipain mo.’’
“Kasi kaya ko naman siya sinipa at sinuntok ay dahil ikaw ang gustong saktan. Yung laki niyang iyon tapos ikaw ang sasapakin. Kaya iniharang ko ang katawan ko para hindi ka masapak…â€
“Sam, salamat ha. Dahil sa akin kaya lumala ang gulo.’’
“Okey lang. Huwag mo akong alalahanin dito at safe ako.’’
“May pera ka ba Sam?’’
“Oo naman. Marami akong pera. Nasa ATM ang pera ko.’’
“Isa pa yun sa naisip ko baka wala kang pera. Naisip ko rin, uuwi ka sa probinsiya.â€
“Actually, nakasakay na ako ng bus patungong proÂbinsiya, pero bumaba ako. Naisip ko last minute na baka mamroblema lang si Lolo at Lola kapag nalaman na umalis na ako sa inyo. SiyemÂpre sasabihin ko ang dahilan kaya ako umalis. Baka maging dahilan pa iyon ng pag-aalala ni Lola. E di ba kagagaling lang niya sa sakit. Kaya ayun, nagpasya ako, mag-bedspace na lang. Maganda naman ang bahay na naupahan ko. Apat kaming nasa kuwarto. Tigisa ng bed. Maayos naman ang CR at banyo.’’
“Hindi malamok?’’
“Hindi.â€
“Pawang lalaki kayo?’’
“Siyempre naman. Ala-ngan namang may babae.â€â€™
Nagtawa si Aya.
Biglang may sinabi si Sam.
“Pupunta ako diyan. GusÂto ko makita si Mama Brenda. Mags-sorry ako sa nangyari.’’
Ganun na lamang ang tutol ni Aya. “Huwag delikado ka kay Tito Janno --- sa demonyo!â€
Hindi na nagsalita si Sam. Hanggang sa matapos ang usapan nila.
Kinabukasan, paglabas ni Sam sa klase, nagtungo siya sa ospital. Gulat na gulat si Aya nang makita siya. Kinabahan.
“Baka ka makita ni Tito Janno dito!â€
(Itutuloy)