Halimuyak ni Aya (181)

HINDI sumagot si Sam sa sinabi ni Julia.

“Hoy Sam, kailan uli tayo magkikita?”

“Bahala na.”

“Text kita.”

Tumango si Sam.

“Babay Sam. Bukas kaya magkita tayo?”

“Huwag! May exams ako.’’

“Babay, Sam.’’

Hindi na sumagot si Sam at lumabas na ng gate. Hindi na nilingon si Julia.

Tinanaw naman siya ni Julia hanggang sa makalabas ito ng Sulucan. Naka-ngiti si Julia at tila nina-namnam ang matamis na labi ni Sam. Pumasok na siya sa loob ng bahay.

Tinawag siya ng kanyang Ate na noon ay nasa kusina.

“Bakit Ate?”

“Ano itong dalawang bote na ito? Ininom n’yo ‘to ni Sam ano?”

Tumango si Julia.

“Ikaw talaga. Marami ka nang natutunan.’’

“Tinikman lang namin ni Sam. Wala naman akong ibang maipainom. Hindi naman siya nagsu-softdrink. Hindi naman ‘yan nakakalasing.”

“Sinong bumili nito?”

“Tira yan nung mag-birthday ang kaklase ko. Sobra yan dun. Ipinadala na sa amin ang mga sobra at masasayang lang daw.’’

Natahimik ang Ate.

Maya-maya nagsalita.

“Pero mukha namang matino ang Sam na iyon ano?”

“Talagang matino, Ate. Valedictorian namin nung high school. Magdodok-tor yun, Ate.’’

“Mukha ngang doctor na.”

“Guwapo ano?”

“May lahi bang Arabo yun. Kasi ang ganda ng ilong. Ang ganda ng mata. Ang ganda ng kutis. Ang ganda ng katawan…’’

Napangiti lang si Julia. Gusto niyang sabihin sa Ate na masarap ding humalik at talagang dinala siya sa langit kanina.

 

TULOG na si Mama   Bren­­da nang dumating si Sam sa bahay. Si Aya ang naghihintay sa kanya. Talagang hinintay siya.

“Marami bang nagpunta sa burol ng teacher mo Sam?” tanong nito nang buksan ang pinto. Naka-ngiti si Aya.

“Oo.”

“Nagpunta ang mga classmate n’yo?”

“Oo,” sagot niya. Nga-yon lang siya nagsinu-ngaling kay Aya.

“Kumain ka na?”

“Oo. Nabusog ako sa pagkain dun.”

“Buti, nakakain ka. Di ba merong ayaw kumain kapag may burol?”

“Pinilit ko,” pagsisinu-ngaling niya.

“Parang naniningkit ang mga mata mo? Parang lasing ka, he-he-he!”

“Inaantok na kasi ako.’’

“Ah.”

“Matutulog na ako Aya.”

“Sige.”

Nagtungo si Sam sa   silid niya. Nakokonsensiya siya sa pagsisinu-ngaling kay Aya.

(Itutuloy)

Show comments