“HALIKA, magkuwentuhan na lang tayo para maalis ang pagkaasar mo,†sabi ni Sam.
“Alam ko, marami kang ikukuwento at ako ay mara-mi ring ikukuwento.â€
Napangiti si Aya.
“Hindi naman ako na-aasar…â€
“Sige hindi na kung hindi. Halika at magkuwentuhan na lang tayo. Turuan mo rin ako sa paggamit ng iPhone.’’
“E kung kay Julia ka kaya magpaturo niyan?â€
Biglang nilapitan ni Sam si Aya at kiniliti sa tagiliran. Napa-“ay†si Aya. Tumawa nang tumawa.
“Hoy Sam, tigilan mo ako. Ano ba, Sam?â€
Pero patuloy pa rin itong kiniliti. Halos mapaluha si Aya sa ginawa ni Sam.
“O ano hindi ka na asar sa akin?â€
Umiling si Aya. Napawi na ang anumang asar kay Sam na ang ugat ay si Julia.
Nagtungo sila sa kuwarto ni Aya.
“Nilinis mo ba ito, Sam?â€
“Oo naman. Kahit na hindi ko alam kung kailan kayo darating, nililinis ko ito.’’
“Madalas na akong pupunta rito, Sam. Madali lang pala.’’
“Basta text mo lang ako at susunduin kita sa terminal.â€
“Sige.’’
“Pero alam mo, Aya, gusto ko makapunta ng Manila.’’
“Ay sige. Para mas maganda. Gusto mo sumama sa akin, bukas.’’
“Sa sunod na pagpunta mo rito, sasama ako.â€
“Sige.’’
Marami pa silang pinagkuwentuhan. Tungkol sa pag-aaral. Iniwasang pag-usapan ang mga problema.
Kinabukasan, nagpa-alam na si Aya. Si Sam ang naghatid sa terminal.
“Sa sunod na uwi ko rito, sumama ka sa akin patu-ngong Maynila ha?â€
“Oo.â€
“Sige, Sam. Bye.’’
“Ingat ka Aya.’’
Umakyat na si Aya sa bus. Hinabol ng tingin ni Sam.
(Itutuloy)