‘Di talaga kayang kalimutan si Ruffa...Yilmaz Pirmado ang kumpirmasyon na darating sa Pilipinas

Y?lmaz Bektas at Ruffa Gutierrez

Ganda talaga ni Ruffa Gutierrez.

Pero habang sinusulat namin ito ay wala pa siyang reaction sa post ng ex husband niyang si Yilmaz Bektas na kinumpirmang darating siya sa Pilipinas.

Nag-post nga si Yilmaz sa kanyang Instagram story ng “For public opi­nion: Regarding the news about me that has been published in the media recently, I would like to say, ‘Yes, these news are true. I will be visiting the Philippines soon. Y?lmaz Bekta? With my best regards,” kalakip ang pirma niya.

Maalalang last week ay inamin ni Ruffa na nag-propose ulit ang ex-husband niya, sa contract signing niya bilang bagong ambassadress ng Luxe’s Skin.

Na akala raw talaga niya ay joke lang ang lahat. Pero gusto raw nitong mag-ikot sila around Europe na naka-train, aniya sa aming interview, at  shocked siya sa chat ng dating mister na pakiramdam niya ay wala kasing makuhang katulad niya. “I thought it was a joke,” pag-amin niya.

Regular na raw ang communication nila ng dating asawa. “Sabi ko, ‘is this a joke?’  ‘Sabi niya, ‘no, I want to invite you to be in a train with me’ and mag-train daw kami all over Europe. So, sabi ko, ‘totoo ba ‘to or baka he’s planning my murder on the plane or train,’” pagkukuwento ni Ruffa sabay tawa ng malakas.

Pero dahil hindi siya pumayag, sinabi na lang daw ni Yilmaz na dadalaw na lang siya sa Pilipinas. “Sabi ko, ‘okay, you’re welcome to visit in the Philippines,’” dagdag pa ni Ruffa sa interview namin after ng presscon kahapon.

At ito na nga. Kinumpirma na ni Yilmaz na darating siya sa Pilipinas.

Naging maayos ang lahat sa kanila nang dalawin ng mga anak niya sa Turkiye ang ama nila na matagal nilang hindi nakita. “And I’m very happy na they are more at ease, you know, parang ‘yung pain na nakita ko nasa heart nila for how many years nawala. I’m just so happy for my daughters because they now have personal relationship with their dad. Kami rin ni Yilmaz ok din kami, minsan nagbibiruan kami. Nagpapadala rin siya ng ano (pera), you know, so happy kaming lahat. Oo, regular ang communication,” kwento pa niya.

Anyway, samu’t sari naman ang reaction ng netizens sa post ni Yilmaz kahapon.

Merong nabaliw, natawa, naawa, at naiinis. Marami rin namang mga kinilig.

Pero may nagpaalala rin naman ng mga pi­nagdaanan noon ni Ruffa sa piling ni Yilmaz.

At nagtaka rin sila kung bakit may pirma pa sa post ang negosyanteng Turkish.

Kelan kaya darating ng bansa si Yilmaz na sa totoo lang ay parang hindi nagkakaedad?

Show comments