Tikiman nina Miles at Elijah, kumalat

Miles Ocampo at Elijah Canlas
STAR/ File

Nakuhanan sa video ang kissing nina Miles Ocampo at Elijah Canlas sa kasal ng Eat Bulaga host na si Jose Manalo at Mergene Maranan.

Mukhang ito na nga ang sagot sa tanong nga mga tagahanga nila kung nagkabalikan ang dating magkarelasyon.

Nadala nga siguro ang dalawa sa wedding vibes sa venue.

Maaalalang kinumpirma ng actor na hiwalay na sila last year.

Sinabi nitong dumaan sila sa rough patch noon dahil pareho silang may pinagdaraanan.

Pero maayos daw ang hiwalayan nila at wala raw silang galit sa isa’t isa. Hindi raw mawawala ang pagmamahal at suporta niya sa aktres-host. Habang si Miles ay nanatiling tahimik noon at walang dinetalye tungkol sa hiwalayan nila.

Sinabi lang nitong mas mamahalin niya ang sarili.

Maraming haka-haka ang mga netizen tungkol sa split nila pero wala namang inamin ang dalawa sa totoong dahilan ng breakup nila. May mga pangalan pang nadamay na dahilan daw ng breakup.

Pero ilang buwan ang nakalipas ay spotted ang dalawa kagaya na lamang nang makita si Miles sa mga litrato ng birthday salubong niya kasama si Elijah.

Halatang nasorpresa ang aktres sa hinanda sa kanya ng actor. Makikita pang nire-record ni Elijah ang reaksyon niya.

Doon nagkaroon ng ispekulasyon ang mga netizen na mukhang nagkabalikan ang dalawa.

Ngayon nga ay mukhang hindi na kailangan pang kumpirmahin ng dalawa at sapat na ang kiss nila na nagkabalikan na talaga sila.

Sana nga raw ay pang-forever na sila tutal at nalagpasan nila ang pagsubok sa relasyon nila.

Bongga sila.

Show comments