Marami ang hindi na nagulat sa hiwalayan nina Rufa Mae Quinto at Trevor Magallanes.
Noon pa man ay hinuhulaan nang hindi magtatagal ang kanilang pagsasama dahil nung kakakasal pa lang nila ay may isyu na sila kaagad.
Nagsimula sa paglabas ng chat kaya umingay na ang kanilang hiwalayan.
Pero kinumpirma na ito mismo ni Trevor nang nag-post na siya sa kanyang Instagram account ng announcement tungkol sa isyu nila ni Rufa Mae.
Aniya, “Hey guys, I felt like I need to explain myself based on social media and all that.
“I want to make myself clear that Rufa Mae and I are in the process of a divorce. You may be aware divorce can be very devastating to the children and also the parents. That being said my marriage has been a shit show and I am sorry for that.
“All that matters me at this time is getting through the divorce as best as I can and spending time with Athena.
“Happy holidays!”
Nung huling check ko naman sa Facebook account ng komedyana, lumabas pa doon sa memory ang paghahanda ng kasal nila ni Trevor noong November 2016.
MMFF movies, walang tapon!
Sa sampung pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival, anim ang nabigyan ng Rated PG ng MTRCB kabilang dito ang And The Breadwinner Is…, Espantaho, Green Bones, Hold Me Close, Isang Himala, at The Kingdom.
Binigyan ng R-13 ang Strange Frequencies, R-16 ang Uninvited, R-16 at R-18 ang Topakk at ang My Future You lang ang binigyan ng General Patronage.
Ang laki ng pagkakaiba nito sa mga nakaraang MMFF na pawang pambata ang kasali.
Kinakarir na rin ng producers ang paggawa ng matitinong pelikula kaya maganda ang line-up ng ngayong taong MMFF na nasa 50th year na.
Nakausap nga namin si Dra. Ali Gui ng MTRCB, nakakatuwa raw na pawang magaganda ang mga pelikulang na-review nila.
Sabi pa ni Dra. Ali, 30 raw silang board members at hinati-hati raw sa kanila ang sampung pelikulang ire-review.
“Maraming board members na iba-ibang kaalaman, iba ang ginagawa. So, lahat kami nadi-divide sa mga movies na in-assign sa amin. And we don’t know what movie that they will assign to us ha? They will assign the movie to review, random lang,” kuwento ni Dra. Ali Gui.
Bilang siya ang head sa committee on health and wellness at ang isa pang concern niya ay proteksyon sa mga panonoorin ng mga bata. Nasisilip pa raw niya ang ibang entries, at nakakatuwa raw dahil pawang magaganda.
“Last year maganda? I am sure our Filipino people, the public would like the movies right now. Kasi, sa movies na na-review namin, maganda talaga. Wala kaming maitapon kasi all of them maganda and worth watching po. Whatever ratings po, they are worth watching.
“Talagang kitang-kita mo na nag-level up tayo mga Filipinos sa ang ganda, puwedeng pang-Netflix o nga ang sabi ko na talagang nag-level ang acting, ang lahat maganda,” sabi pa ni Dra. Ali Gui ng MTRCB.
Kaya tama lang na ito ang mga pelikulang napili para sa 50th edition ng Metro Manila Film Festival.