Barbie, may hugot sa pagtatapos ng araw...

Barbie Forteza.
STAR/ File

Nalalapit na ang pagtatapos ng Pulang Araw na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, David Licauco, Sanya Lopez, Alden Richards at Dennis Trillo. Malaki ang pasasalamat ni Barbie sa mga kasamahan sa trabaho na talagang naghirap upang magkaroon ng isang magandang serye. “Definitely ‘yung buong team talaga, ‘yung staff and crew, sila talaga ‘yung pinakanaghirap at nagpagod para mabuo ‘yung show. So, they really deserve to celebrate the end of the show,” nakangiting pahayag ni Barbie sa 24 Oras.

Hinding-hindi makalilimutan ng Kapuso actress ang mga emosyonal na eksenang kasama si Epy Quizon. Ginampanan ng aktor ang karakter ni Julio na siyang pumanaw na ama ni Adelina na ginampanan naman ni Barbie sa serye. “Malaking tulong talaga na sobrang believable ‘yung hitsura ni Sir Epy. Talagang props to the prosthetics and the makeup team. Talagang ang galing, so ramdam na ramdam mo talaga,” pagbabahagi ng dalaga.

Sobrang emosyon ang naibigay ni Barbie sa magwawakas na serye. Bata pa lamang ang karakter ni Adelina nang pumanaw ang inang si Fina na ginampanan ni Rhian Ramos. Malalim ang naging hugot ni Barbie sa mga madramang tagpo na ginawa para sa Pulang Araw. “Sabi ko, ‘Shucks!’ Parang there’s no coming back from that. Parang sabi ko, knowing Adelina and her character and how much she loved her father talaga. Kasi si Julio na lang ang tumayong magulang niya talaga after Fina died. So grabe ‘yung pain na ‘yon for sure. Hindi ko alam kung paano, how Adelina would deal with that situation,” pagtatapos ng Kapuso actress.

Enrique, balik-teleserye na

Nakatakdang gawin ni Enrique Gil ang isang bagong serye sa susunod na taon. Bukod sa pagiging pangunahing aktor ay si Enrique rin ang magsisilbing co-producer ng bagong proyekto. “Actually, co-produced namin ito with ABS-CBN, my concept kaya excited ako rito,” bungad ni Enrique sa ABS-CBN News.

Ayon sa aktor ay kakaiba ang tema ng gagawing serye kumpara sa kanyang mga nagawa na noon. “Gusto ko action siya pero action-comedy. Medyo may pagka-lightness. Kasi usually super bigat lagi ng mga action. So, I wanted it medyo siyempre may rom-com involved, kailangan ‘yon sa TV eh. Pero it’s medyo Ryan Reynolds-ish na may lightness but there’s some mafia involved,” pagdedetalye ng binata.

Mayroon na ring leading lady si Enrique para sa bagong serye. Hindi pa lamang umano maaaring ibahagi ng aktor sa publiko kung sino ang makakapareha. Posible ring mag-taping sa Europe ang buong grupo ng serye sa susunod na taon. “Hindi ko pa nakakausap, nagmi-meeting kasi sila. As far as I know, yes, may naka-lock in na for that. Excited na daw siya, nagti-training na raw, nagre-ready na,” paglalahad ng Kapamilya actor. (Reports from JCC)

Show comments