Arci, pinayuhang tigilan na ang pagpapagalaw ng mukha

Arci Munoz

Maraming nakapansin na nag-iba na naman ang hitsura ni Arci Munoz.

Ngipin naman daw ang pinaayos ng jetsetter na actress.

Kaya naman ang payo sa kanya, tantanan na ang pagpapaayos niya dahil pati raw boses, napansin nilang nag-iba na.

“Arci stop doing your face. Napaka ganda mo hindi mo na kailangan ng enhancements please be you again. This is too much... Ako hindi kagandahan pero masaya sana.. ikaw din.. sana makita mo rin ang nakikita namin sayo ngaun before it’s too late. ”

Ayon naman sa isang netizen “Ganda nya dati bakit na iba na nman ngipin labi ano.”

Dagdag naman ng isa pa : “halos dina makilala ang dating arce munoz..pati boses iba na...”

Laos na ‘yung dialogue na walang basagan ng trip, pero buhay niya ‘yun so hayaan natin.

Show comments