Heart, 3x tumangging rumampa sa Cannes!

Heart Evangelista
STAR/File

Mas priority na pala ni Heart Evangelista ang kanyang kalusugan kesa pagrampa.

Ito ang isinagot niya sa nagkomento na “You need to start planning on going to Cannes Film Festival.”

Aniya sa comment section: “I declined to go:) 3 times actually, which is sad, but I believe I need to take care of my health and choose which events to prioritize.”

Nag-post kasi ang account ng kanyang follo­wers at doon nga nakalagay na - 2021 - declined; 2022 attended; and 2023 & 2024 declined.

Throwback photo niya ‘yun sa Cannes Filmfest.

Isang malaking fashion event ang Cannes film festival na ginaganap taun-taon sa France.

Unang ginanap noong 1946 para sa pagkilala sa artistic achievements ng mga magagandang pelikula sa buong mundo.

Pero ngayon nga ay marami na ring rumarampang star at starlet kahit walang mga pelikula at talagang one of those lang masabi lang na umawra sa red carpet ng Cannes Filmfest.

Show comments