Richard, no pa rin sa Divorce

Richard at Lucy
STAR/File

Naniniwala pa rin si Leyte Representative Richard Gomez sa sanctity of marriage kaya naman, no siya sa Divorce Bill.

Katwiran pa ni Rep. Richard, baka mas lumaki ang kaso ng infidelity sa divorce.

Inaprubahan nga ng House of Representatives noong Miyerkules sa third and final reading ang panukalang batas na nagbabalik ng absolute divorce sa bansa.

Nagkaroon ito ng 131 – affirmative votes; 109 – negative votes; and 20 – abstentions, ipinasa ng kamara ang House Bill (HB) 9349 o ang panukalang Absolute Divorce Act.

Sinabi ni Albay Rep. Edcel Lagman, may-akda ng panukalang batas, na ang ikatlong pagbasa nito ay nagpapahiwatig ng makabuluhang pagbabago sa lipunan patungkol sa kasal at mga relasyon.

Sinabi pa nito na sa pamamagitan ng pag-legalize ng diborsyo, kinikilala ng Pilipinas ang pangangailangang magbigay ng option para sa mga nagsasamang “unhappy and irreparable marriages”.

Pero hindi sang-ayon ang actor / pulitiko sa ganun.

Maraming naging girlfriend noon si Cong. Ri­chard pero nang ikasal siya kay Ormoc Mayor Lucy Torres, hindi na siya na-link kahit kanino.

Show comments