Donny, binisita si Jo

Jo at Donny
STAR/File

Bumisita sa set ng hit GMA Afternoon Prime series na Lilet Matias: Attorney-At-Law ang Kapamilya actor na si Donny Pangilinan.

Sa Instagram post ng bida ng serye na si Jo Berry, ibinahagi nito ang photo kasama si Donny at may caption na, “May bisita sa set si Attorney Lilet! Thank you sa pagdalaw, Donny.”

Kitang-kita rin sa video ang kilig ng aktres sa kanilang pagkikita!

Nag-iwan pa ng komento si Donny at sinabing, “Nice meeting you!!!”

Kasunod niyan, nagpasalamat si Jo kay Ms. Maricel Laxa na kasama niya sa serye, dahil sa pag-imbita nito sa kanyang anak para bisitahin si Atty. Lilet.

Show comments