Pinay influencer Jeraldine Blackman, hindi akalaing ganun siya kasikat

Jeraldine at Rhea
STAR/File

Masayang ipinakilala ng Beautéderm chairwoman na si Rhea Tan ang bagong endorser ng kanyang produkto.

Sa naganap na press event, si Jeraldine Blackman, ang pinangalanang new face ng brand.

Massive ang popula­rity ni Jeraldine sa social media.

Pati mga celebrity, pina-follow na siya.

Pero ayon kay Jeraldine, hindi pa niya ramdam ang kasikatan niya at ng anak na si Jette.

Sabi ni Ms. Rei, na nagsimula sa beauty industry noong 2009, makakatulong ang collaboration na ito sa pagpapalawak ng reach ng Beautéderm, dahil na rin sa global influence ni Jeraldine.

“We’re both Ilocanas. We share the same love for family, and we both honor our roots. Jeraldine is an inspiration especially to women. She’s authentic that’s why people love her.

“Jeraldine marks Beautéderm’s 15th anniversary. She’s the perfect influencer to do it. But it’s just the beginning. We will announce more surprises soon as part of this big milestone,” dagdag ng skincare executive.

Inihayag ni Jeraldine ang kanyang paghanga sa business magnate, na sumalubong at nag-welcome sa kanya sa 7-storey Beautéderm building nito sa Pampanga.

“Ate Rhea contacted me and she said she’s been following me for a long time already. I was very surprised. I had no idea that a well-known businesswoman knows me. We kinda like speak the same language. We’re both Ilocanas,” dagdag niya.

Kwento pa ni Jeraldine, na kasal sa Australian nurse na si Josh Blackman, nagulat siya sa attention na nakukuha ng pamilya niya ngayon lalo na sa Pilipinas.

Milyun-milyon ang views ng Blackman Family sa TikTok at Instagram.

Sinabi niya rin sa media interview na gagamitin niya ang kanyang social media accounts para ma-promote ang ini-endorse niya sa buong mundo.

Nag-launch ang Beautéderm ng bagong products — Cristaux Retinol Serum, Cristaux Zerum Hydra-Beauty, and Cristaux Vitamin C Serum. Available sa Shopee, TikTok, Lazada, at Beautéderm stores nationwide.

Inanunsyo rin ng Beautéderm ang partnership sa Bb. Pilipinas organization sa nasabing press launching bilang bahagi ng sikat na kumpanya ng pampaganda.

Samantala, willing naman si Jeraldine na pag-artistahin ang anak na si Jette na sikat nga sa social media.

Millions ang views ng mga video nila na nag-umpisa lang sa bahay nila.

Show comments