CAVITE, Philippines — Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, ipinamahagi ni Cavite Police Provincial Office (PPO) director PCol. Dwight Alegre ang may 200 na pirasong Nmax motorcycle na gagamitin sa pagpapatrolya sa buong lalawigan.
“Patrulyang Magilas” ang temang binuo na gagamitin ng mga pulis na “Magilas Patrollers” na siyang mga mag-iikot sa buong Cavite.
Layunin nito na mapanatili at maiwasan sa lalawigan ang mga dumaraming insidente ng holdapan, akyat-bahay at kriminidad partukular na sa mga negosyante at mga establisimyento o negosyong madalas mabiktima ng mga panghoholdap.
Ang nasabing programa ay suportado ni DILG Secretary Jonvic Remulla at Cavite Governor Athena Tolentino.
Kasabay nito, namigay rin ng mga bulaklak sa mga babaeng pulis si Col. Alegre bilang selebrasyon sa Valentines Day kahapon.