MANILA, Philippines — Sumailalim sa psychosocial intervention ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga kabataan at iba pang vulnerable individuals sa mga evacuation center sa Negros Island.
Nagdeploy ng psychosocial first aid responders ang DSWD Field Office 6 sa Western at Field Office 7 sa Central Visayas para matulungan laluna ang mga bata para makayanan ang dinanas na trauma nang pumutok ang bulkang Kanlaon.
Sa La Carlota City, Negros Occidental katuwang ng DSWD Field Office 6 ang lokal na pamahalaan sa pagsagawa ng story-telling activities sa mga bata.
Katuwang din ng DSWD Field Office 7 ang LGU sa Kanlaon City, Negros Oriental sa psychosocial activities sa mga kabataan na nasa Macario Española Memorial School evacuation center.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao,kabuuang 4,456 pamilya o katumbas ng 15,026 katao ang nakakanlong sa 27 evacuation centers sa Regions 6 at 7 at sa kabuuang bilang, 1,184 ay mga kabataan na may edad 0-17 taong gulang.