Bangkay nadiskubre sa sinkhole

MANILA, Philippines — Bangkay ng isang lalaki ang bumulaga sa isang sinkhole sa bayan ng Carmen, North Cebu.

Natuklasan ang bangkay dakong alas-6:00 ng umaga noong Disyembre 12, 2024.

Inilarawan ang lalaki na nasa edad 35, isang chainsaw operator at residente ng Barangay Lower Natimao-an, na matatagpuan din sa Carmen.

Tinatayang nasa  20 hanggang 30 talampakan ang lalim ng sinkhole na matatagpuan sa Purok Mahogany, Barangay Sac-on, sa bayan ng Carmen.

Base sa Carmen Police Station, iniulat ng isang kagawad ng Barangay Lower Natimao-an sa police station ang isang patay na tao sa sinkhole.

Agad namang iniahon ng mga pulis ­kasama ang mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at Bureau of Fire Protection ang bangkay.

Patuloy ang pagsisiyasat ng  pulisya upang matukoy ang  dahilan ng pagkasawi ng biktima.

Show comments