MANILA, Philippines — Inaresto nang pinagsanib na puwersa ng Bureau of Immigration at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), ang 6 na undocumented Chinese nationals na nagtatago sa isang apartment sa Trillo Bay Villas, kamakalawa.
Kinilala ang mga Chinese national na sina Yongfeng Huang, Guo Jun, Hong Xiaojun, Bai Shiping, Guo Shiquan, at Gan Ning dahil sa paglabag sa Rule 9, Section 1 of SBM-2015-010 dahil sa pagiging undocumented.
Kaagad na dinala sa BI head office sa Intramuros ang mga dayuhan at ikinulong habang pino-proseso pa ang kanilang mga kaso.
Sinabi naman ni Officer-in-Charge of the Office of the Deputy Administrator for Legal Affairs and Manager of the Labor Department Atty. Melvin Varias na kabilang ang 6 na dayuhan sa 57 Chinese nationals na dating nagtatrabaho sa TeleEmpire Incorporated.
Sa kabuuang 57 Chinese nationals na nagtatrabaho, 6 ang umuwi sa kanilang bansa, 51 naman ang accounted na kung saan 20 ang naaresto sa unang isinagawang raid sa isang bahay sa Kalayaan na illegal Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) facility kamakailan.