Babae natagpuang patay sa parking lot

MANILA, Philippines — Isang hindi pa nakikilalang babae ang natagpuang patay sa parking lot ng Villar-Sipag Road, Sitio Miape Brgy. Zapote 3 Bacoor City, Cavite.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakikilala ang biktima na tinatayang nasa edad na 30-40 anyos, nakasuot ng itim na sando at maong short, may tattoo ito sa kanang kamay na “Yzabella” at “Chryztella”.

Ayon sa ulat ng mga otoridad, alas-7:45 ng umaga nang matagpuan ang walang buhay na biktima sa nasabing parking lot.

Posibleng sa ibang lugar isinagawa ang pagpatay sa biktima at itinapon lamang sa nasabing lugar.

Show comments