2 bata binunggo ng motorsiklo, 1 dedo

LUCENA CITY, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang 8-anyos na batang babae habang malubhang nasugatan ang isang 9-anyos na batang lalaki matapos silang banggain ng motorsiklo habang tumatawid sa highway na sakop ng Barangay Bocohan sa lungsod na ito, kamakalawa ng gabi. 

Ang nasawing biktima na nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ay kinilalang si alyas Christine habang patuloy na nilalapatan ng lunas sa Unihealth Hospital dahil sa mga sugat sa katawan si alyas Mark, kapwa mga residente ng Welmanville Subdivision Barangay Bocohan. 

Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi ay magkahawak ang kamay na tumatawid ang dalawang bata sa Diversion road ng highway nang araruhin sila ng isang Motorstar motorcycle na minamaneho ni alyas Henry, 22 ng Purok Jasmin, Barangay Domoit. 

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang dalawang bata na ikinasugat din ng bahagya ng rider na natuklasang walang lisensya nang mangyari ang road crash.

Show comments