2 obrero inararo ng kotse, tepok!

Kinilala ang mga biktima na sina Aris Pabalan at Aldwin Valdovino, kapwa residente ng Mapalad, Arayat, Pampanga habang arestado ang driver ng kotse na si alyas “Timothy”, 29, ng Employee Housing Village sa Brgy. Maybunga, Pasig City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dalawang obrero ang patay nang araruhin ng isang humahagibis na kotse habang naglalakad sa may tulay sa Cainta, Rizal kamaka­lawa.

Kinilala ang mga biktima na sina Aris Pabalan at Aldwin Valdovino, kapwa residente ng Mapalad, Arayat, Pampanga habang arestado ang driver ng kotse na si alyas “Timothy”, 29, ng Employee Housing Village sa Brgy. Maybunga, Pasig City.

Sa imbestigasyon ng Cainta Municipal Police, alas-2:30 habang naglalakad ang biktima sa may Ortigas Avenue Ext., Brgy. Sto. Domingo patungong Pasig City nang bigla silang ararurin pagsapit sa Buli Bridge ng Honda Brio na minamaneho ng suspek.

Agad na binawian ng buhay ang mga biktima dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan habang nadakip ang driver sa hot pursuit operation ng mga awtoridad.

Nakapiit na ang suspek at mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide.

Show comments