Iskul sa Imus binulabog ng bomb threat: Klase kinansela

CAVITE, Philippines — Binulabog ang mga estudyante habang nagkaklase sa isang unibersidad matapos makatanggap ng mensahe sa social media na may nakatanim na bomba sa kanilang old building kamakalawa ng hapon sa Imus City.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:55 ng hapon nang itawag sa Imus Component City Police Station Operations Center ng Cavite State University (CAVSU) na nakatanggap sila ng bomb threat message. 

Ayon kay Jerick V Gonzales, Civil Security Officer ng CAVSU-Imus Campus, natanggap nila ang nasabing bomb threat sa pamamagitan ng School Student Council Facebook Page galing sa account name na “Elwin Corpus” na nagsasabing -- “May bomba po sa loob ng campus. I’m not joking, old building sa may likod sa tabi ng hagdanan.”

Dahil dito, agad na kinansela ng school admi­nistration ang mga klase at inilikas ang mga estudyante, faculty members at mga workers.

Rumesponde naman ang mga operatiba ng Cavite Explosive and Ordnance Division (EOD) at agad na kinordon ang lugar saka naghalughog ng sinasabing bomba.

Show comments