P1.5 milyong shabu samsam sa Bulacan buy-bust

Stock image of methamphetamine.
Image by JR from Pixabay

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan, Philippines — Arestado ang walong indibiduwal matapos umanong mahulihan ng P1,564,000 na halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. Graveville ng nasabing lungsod kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Shahid Bala, 24, Samim Bala, 18, Rodrigo Gonzales, 51, John Johnson Rago, 19, Jao Dela Cruz, 26, John Mark Quisto, 23, Jelly Pepito, 56 at Annaliza Lambino, 51 kapwa residente ng nasabing lungsod.

Sa report ng SJDM police station kay P/Lt. Col. Jacquiline Puapo, officer-in-charge, Bulacan police, naganap ang operasyon bandang ala-1:00 ng madaling araw nitong Hunyo 19 sa Zone 1, Capiili Compound, Brgy. Graceville.

Sinasabing nakumpiska sa operasyon ang 11 sachet na hinihinalaang shabu na nasa 230 gramo na may halagang P1,564,000, isang belt bag at marked money.

Show comments