First Lady, DSWD chief umayuda sa Negros Occidental

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni First Lady Liza Araneta Marcos kasama si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang pamamahagi ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng Bulkang Kanlaon sa Negros Occidental.

May kabuuang halagang P17.5 milyong cash assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD ang naipagkaloob sa may 1,752 pamilya na tumanggap ng tig Php10,000  bawat isa.

Bukod sa cash aid ay namahagi rin sila ng food at non-food items sa mga evacuees.

Sa mga nakinabang sa tulong, nasa 1,500 pamilya ay mula sa La Castellana habang ang nalalabing bilang ay mula sa Bago City sa Negros.

Kasama nina First Lady  Marcos at Sec. Rex  Gatchalian ang iba’t ibang matataas na opisyal ng gobyerno at mataas na opisyales ng DSWD tulad nina Undersecretary for Ope­rations Monina Josefina Romualdez, Undersecretary for Disaster Response Management Group (DRMG) Diana Rose Cajipe at Assistant Secretary for Regional Operations Paul Ledesma.

Show comments