‘Utak’, 3 pa suspek sa pamamaril sa alkalde sa Maguindanao, tugis

MANILA, Philippines — Nagsasagawa na ng manhunt operation ang Philippine National Police (PNP) laban sa mastermind at tatlo pang kasabwat nito sa pamamaril sa alkalde ng Datu Odin Sinsuat (DOS), Maguindanao na ikinasawi ng isang police escort kamakailan.

Nabatid na naglabas na ng warrant of arrest ang Cotabato City Regional Trial Court Branch 13 laban kay Ansawi Limbona alyas “Jojo Limbona” dahil sa kasong murder, gayundin sa tatlong iba pa dahil sa pamamaril kay DOS Mayor Lester Sinsuat noong Enero 2 na ikinasawi ng kanyang escort na si PStaff Sgt. Zahraman Mustapha Dicolano.

Ayon kay PNP Public Information Office chief, Police Col. Jean Fajardo, hindi tumitigil ang Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station para madakip sa lalong madaling panahon ang target na si Limbona gayundin ang tatlong kasamahan nito.

Show comments