Hinete hulog sa kabayo, nagkalasug-lasog!

Ayon sa report ng Malvar Police Station, sumasalang sa race number 4 sa Metro Turf Club sa Barangay San Pioquinto, ang hineteng si Francisco Tuazon sakay ng kabayong Wild Eagle nang maganap ang aksidente bandang alas-6:48 ng gabi.
STAR/File

Sa kasagsagan ng karera

BATANGAS, Philippines – Kalunus-lunos ang sinapit na kamatayan ng isang hinete matapos na magkalasug-lasog nang mahulog sa kanyang kabayo saka masagasaan at maapakan pa ng ibang mga kabayo sa kasagsagan ng kanilang karera sa bayan ng Malvar, dito, noong Miyerkules ng gabi.

Ayon sa report ng Malvar Police Station, sumasalang sa race number 4 sa Metro Turf Club sa Barangay San Pioquinto, ang hineteng si Francisco Tuazon sakay ng kabayong Wild Eagle nang maganap ang aksidente bandang alas-6:48 ng gabi.

Sa imbestigasyon, napatid umano ang kaliwang “stirrups” o ang pinaglalagyan ng paa ng hinete habang sakay sa kabayo para hindi ito mahulog. Bunsod nito, nawalan siya ng balanse hanggang sa mahulog, at madaganan ng kanyang kabayo saka naapakan pa ng mga humahagibis na mga kabayo ng kanyang mga kalaban sa karera.

Mabilis na itinakbo si Tuazon sa Daniel Mercado Medical Center (DMMC) sa Tanauan City pero idineklara nang dead-on-arrival ng mga doctor sa emergency room.

Show comments