Law graduate, ‘utak’ sa Cebu pawnshop robbery!

Kinilala ang mga suspek na sina Jigger Geverola, law graduate ng Southwestern University, umano’y mastermind; Jerum Cambarijan Davin; Dann Carlos Geverola Flores; at Jordab Ramos Baquiano.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

Suspek din sa panununog ng bus

MANILA, Philippines — Isang law graduate na sinasabing “utak” at kabilang sa apat na res­ponsable sa panloloob sa isang pawnshop ang nadakip ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation nitong Martes sa Argao, Cebu.

Kinilala ang mga suspek na sina Jigger Geverola, law graduate ng Southwestern University, umano’y mastermind; Jerum Cambarijan Davin; Dann Carlos Geverola Flores; at Jordab Ramos Baquiano.

Sa report ng Cebu City Police Office, naaresto sa follow-up operation sina Geverola at Davin nitong Martes sa Argao, Cebu habang una nang nadakip sina Flores at Baquiano.

Lumabas sa rekord na nakulong ng 7-taon si Geverola sa kasong murder at arson sa pagsunog sa isang Philtranco bus sa Catmon, Cebu noong Disyembre 11, 2001. Tatlong taon na nagtago si Jigger subalit naaresto rin noong 2004.

Sinasabing si Geverola ay opisyal din ng Communist Central Visayas Regional Party Committee.

Matatandaan na noong Nob. 25, 2023, nilooban ng mga suspek ang isang pawnshop at jewelry store sa Colon St., Cebu.

Sa follow-up ­operation ng pulisya sa tulong ng CCTV footage, natunton ang mga suspek pati ang sasakyan na kanilang ginamit. Nakuha rito ang sasakyan na walang rehistro at nakalagay na temporary plate for registration.

Narekober din sa sasakyan ang isang KG9 na may mga magazine .45 na baril, hand grenade, 1-rifle grenade, t-shirt at mga sumbrero.

Show comments