Gunrunner todas sa Antipolo shootout

MANILA, Philippines — Nasawi ang uma­no’y gunrunner matapos makipagbarilan sa mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Antipolo, Rizal.

Hindi naman pinanga­lanan ng mga awtoridad ang suspek.

Nabawi naman ng pulisya mula  dito ang dalawang baril, ilang bala at wallet sa salarin.

Ang suspek ay sinasabing sangkot umano sa gunrunning, nahaharap din sa reklamong frustrated homicide at serious physical injury sa Quezon City.
 

Show comments