7 miyembro ng gun for hire, naaresto

MANILA, Philippines — Pitong miyembro ng Cuento criminal gang ang naaresto sa dalawang araw na raid laban sa mga hindi lisensyadong baril sa limang barangays sa bayan ng Sta Maria, Laguna.

Kinilala ni P/Colonel Randy Glenn Silvio, Laguna police director, ang mga suspek na sina alias Rogelio, Edick, Randy, Cervacio, Rio, Nestor at Rolando, mga miyembro  ng  contract killer na pinamumunuan ng isang Jayson Cuento na umano ay siyang utak sa pagpatay sa pangulo ng isang kooperatiba sa nasabing bayan.

Nakumpiska sa mga suspek ang limang  pi­raso ng caliber 45, 4 piraso ng  38 revolvers at dalawang granada.

Isinagawa ang ope­rations nang makatanggap ng impormasyon ang pulisya mula sa mga residente na ang mga suspek ay nagtatago ng mga baril sa kanilang mga bahay.

Ayon kay Silvio na ang grupo ay may mga nakapending na kaso ng  murders, homicide at iba pang heinous crime, subalit hindi na itinutuloy ng mga  complainant ang kanilang reklamo nang pagban­taan ang kanilang buhay.

Kinasuhan ang  suspects ng paglabag sa RA 10591, RA 9516, at obstruction of justice.

Show comments