MANILA, Philippines — Tinulungan ni ACT CIS at Benguet caretaker Cong. Eric Yap ang pamilya ng ginahasa at pinatay na 10-year na batang babae sa Benguet kamakailan.
Sinagot na ni Cong. Yap ang pagpapalibing sa biktima at nagbigay ito ng ?50,000 financial assistance sa pamilya ng bata.
Nakapiit na ngayon ang suspek na si Gilbert Salinas, 40, isang minero, at residente ng Itogon, Benguet sa Itogon PNP Station.
“Pinapatutukan ko din sa mga staff ko ang kaso na hindi mabalewala dahil bali-balita na medyo kilala ang pamilya ng suspek sa lugar,” ayon kay Cong. Yap.
“Sisiguruhin ng ACT CIS na maipataw ng korte ang pinakamabigat na sentensya sa suspek dahil sa kanyang ginawa sa kawawang bata,” ani Yap. Dagdag pa ng mambabatas, “ito ang mga dahilan na pabor akong maibalik ang death penalty sa bansa.”