CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Pinagdadampot ng pulisya ang 29 na sabungero kabilang ang isang retiradong colonel ng Philippine Army sa isinagawang sorpresang operasyon laban sa ilegal na sabong o tupada sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito, kamakalawa.
Ayon kay P/Col. Jess Mendez, acting provincial director ng Nueva Ecija Police, apat na pagsalakay laban sa tupadahan ang isinagawa ng kanyang mga tauhan nitong Linggo ng hapon kung saan 15 mananabong ang nahuli sa Gapan City, walo sa bayan ng Aliaga, dalawa sa General Natividad at apat sa Cabiao.
Kinilala ni P/Lt. Col. Alexie Desamito, hepe ng Gapan City Police, ang mga nahuli na sina Mateo Rayo, retired Phil. Army colonel; Mario Valadad (operator), 64; Wilson Sugaton, 59; Reynante Rayo, 44; Ramon Adel, 69; Gerardo Ravela, 55; Reynaldo Rayo, 40; Juanito Manzon, 55; Alvin, Montemayor, 20; Emiliano Rayo, 74; Cornelio Rayo, 45; Deogracias Viray, 60; Jaime Tinio, 59; Alvin Marquez, 39; at Freddie Constantino, 47, pawang taga-Brgy. Pambuan, Gapan City.
Nahuli rin ng Aliaga Police habang nagtutupada sina Renz Remalona, 40; Tirso Tinio, 46, Jay-Ar Bayan, 42, Teddy Bayan, 50, Santaiago Capili, 38, Willy Alfanta, 53, at Francis Bayan, 47, pawang taga-Brgy. Sto. Tomas, Aliaga, NE; at Marvin Ablaza, 29, ng Brgy. Poblacion West III ng nasabing bayan.
Naaktuhan pang nagtutupada ng Gen. Natividad Police sina Henry Lorenzo, 50, at Rolly Elican, 49; habang sa Cabiao ay naaresto rin ang mga sabungerong sina Celedonio Suayan, 58; Sandy Arras, 43; Gilbert de Duzman, 34, at Edwin Aguirre, 47. Nakumpiska sa mga raid ang 13 buhay na manok, 6 patay na manok, mga tari, medical first aid, isang kolong-kolong na traysikel at P6,790 na taya sa tupada.