2 dalaga todas sa motor

MANILA, Philippines — Dalawang dalaga ang patay nang mahulog sa irrigation canal ang kanilang sinakyang motorsiklo sa probinsya ng Cotabato.

Kinilala ang mga nasawi na sina Analyn Antipolo Garino, 20, estudyante, taga Purok Rosas, Poblacion 8; at Angelie Mayola Jorillo, 25, private employee, na residente ng Purok 4, Brgy. Villarica sa bayan ng Midsayap, Cotabato.

Ayon kay Midsayap chief of police Lt. Col. Rolly Oranza na minamaneho ni Garino ang isang Bajaj 125 na motorsiklo angkas si Jorillo mula sa Fortunato Anito Street, Barangay Central Katingawan, Midsayap, Cotabato nang pagsapit  sa bahagi ng NIA Road, Purok 9, Brgy. Villarica, nawalan ng control ang driver at nahulog sa NIA irrigation canal.

Agad na nagresponde ang mga pulis at mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP-Midsayap) ngunit patay nang maiahon sa irrigation canal ang mga biktima nang malunod.

Show comments