BATANGAS, Philippines — Arestado ang 14 na katao kabilang ang dating vice mayor, konsehal at barangay captain dito matapos maaktuhang nagsasagawa ng illegal na sabong o “tupada” sa bayan ng Alitagtag noong Miyerkules ng hapon.
Kinilala ni Batangas Police Provincial Director P/Col. Rex Arvin Torres Malimban ang mga naarestong sina Ex-Vice Mayor Manuel Gutierrez, Municipal Councilor Jerome Garcia, Barangay Captain Antonio Chavez at 11 na iba pa.
Narekober mula sa mga suspek ang 12 manok na panabong, 36 tare at bet money na nagkakahalaga ng P29,560.00.
Sasampahan ang mga dinakip ng kasong paglabag sa PD 1602 (Illegal Cockfighting), Republic Act 11469 (Bayanihan to Heal as One Act) at Republic Act 11332 (Mandatory Reporting of Notifiable Diseases at Health Event of Public Health Concern Act).