9 mangingisda dakma sa dynamite fishing

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Sa kulungan ang bagsak ng siyam na ma­ngingisda matapos maaresto dahil sa pangi­ngisda gamit ang dinamita o dynamite fishing sa karagatang sakop ng Brgy. 4 sa bayan ng Pio Duran, Albay kahapon.

Ang mga naarestong suspek ay sina Gilbert Guerra, Jamer dela Rosa, Robert Labrusto, Jonel Labrusto, Andy Paul Labrusto, Anthony Canete, Ivan Baril, Angel Gidoc at Edgar Balangbang, pawang mga residente ng nasabing lugar.

Sa ulat, dakong alas-10 ng gabi nang naka-rinig ng mga pagsabog ang mga residente malapit sa baybayin kaya nagsumbong sila sa mga pulis na agad namang nakipagkoordina sa Bureau of Fishiries and Aquatic Resources (BFAR).

Nagulat ang mga suspek nang dumaong sila sa Pio Duran Port ay nakaabang na ang mga pulis at tauhan ng BFAR.

Nakumpiska sa ka­­nila ang mahigit 14-banyerang isda na durog ang laman sa loob dahil sa pinaniniwalaang ginamitan ng pampa-sabog at ang kanilang bangkang pangisda.

 

Show comments