2 tiklo sa P6.8 milyong shabu

NORTH COTABATO, Philippines — Nasabat mula sa dalawang drug dealers ang P6.8 milyong halaga ng iligal na droga sa ikinasang joint law enforcement operation ng AFP, PNP at PDEA BARMM sa Amai Pakpak National Highway, Barangay Datu Saber, Marawi City nitong Sabado.

 Nakilala ang mga nadakip na sina Jamil Khalid at Saranganu Bangcorong na pawang mga taga Barangay Kiratan, Molundo, Lanao del Sur. Nakuha mula sa kanila ang dalawang jumbo size plastic sachet at isang large zip lock transparent plastic sachets na naglalaman ng isang kilong shabu sa inilunsad na operasyon pasado alas-11:00 ng umaga.

Nabawi rin sa dalawa ang P1.5 milyong cash na ginamit bilang marked money.

Show comments