Sundalo patay sa landmine

Kinilala ni Major John Arvin Encinas, spokesman ng AFP-Western Mindanao Command ang biktima na si Corporal Rex Sadava, miyembro ng Bravo Company ng 57th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army.
AFP

MANILA, Philippines — Patay ang isang sundalo matapos ma­sabugan ng landmine o eksplosibo na itinanim ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Brgy. Dasawao, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao nitong Biyernes.

Kinilala ni Major John Arvin Encinas, spokesman ng AFP-Western Mindanao Command ang biktima na si Corporal Rex Sadava, miyembro ng Bravo Company ng 57th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army.

 Sinabi ni Encinas na dakong alas-4:20 ng hapon habang nagsasagawa ng combat clearing operation ang tropa ng militar  sa magubat na bahagi ng nasabing lugar nang bigla na lamang sumabog ang bomba na sumapol sa kaliwang binti ni Sadava.

 Agad na isinugod sa military hospital ang sundalo na pinutulan ng kaliwang binti matapos malasog sa pagsabog ng bomba pero matapos ang ilang oras ay idineklara siyang patay.

 Sinabi ni Encinas, ang mga teroristang BIFF ang hinihinala na nasa likod ng pagtatanim ng improvised explosive device (IED) sa naturang lugar.

Show comments