Kambal tinangay ng agos: 1 tigok

Sa report ng pulisya­, kasama ng kambal na sina Justin James at Jeremy Charles Nosa ang mga kaibigang kapanalig sa Se­venth Day Adventist Church nang sila ay madulas at ta­ngayin ng alon dakong alas-10:00 ng umaga.
File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Nalunod ang isa sa kambal na 14-anyos matapos silang tangayin ng agos habang nagtatampisaw sa ilog sa Brgy. Tagumay, Gattaran, Cagayan noong Lunes.

Sa report ng pulisya­, kasama ng kambal na sina Justin James at Jeremy Charles Nosa ang mga kaibigang kapanalig sa Se­venth Day Adventist Church nang sila ay madulas at ta­ngayin ng alon dakong alas-10:00 ng umaga.

Nasagip ng kanyang kasamahan si Jeremy Charles habang nabigo silang sagipin si Justin James na tuluyang tinangay palayo ng agos. Sa kasunod na Brgy. Takiki na nahango ang bangkay ni Justin James na kusang lumutang matapos ang halos limang oras.

 

Show comments