MANILA, Philippines — Bumaba ng 45 porsiyento ang bilang ng krimen sa lungsod ng Cagayan de Oro matapos paigtingin ng lokal na pamahalaan ang kanilang kampanya kontra krimen.
Ayon sa Police Regional Office Region 10, mula 7,487 kaso noong 2017, bumaba ang naitalang krimen sa lungsod sa 4,118 noong 2018.
Kasabay nito, tumaas din ang crime clearance efficiency sa Cagayan de Oro.
Mula 72.4% noong 2017, umakyat ang crime clearance efficiency sa 87.2% noong 2018.
Sa tala ng Cagayan de Oro City Police Office (COCPO), umabot sa 5,422 ang na-clear na kaso noong 2017 at 3,593 naman noong 2018.
Sinabi rin ng COCPO na mayroon silang naresolba na 3,177 kaso ng krimen noong 2018 at 4,740 naman noong 2017.
Sa kanyang pahayag kamakailan, sinabi ni Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno na pinagtutuunan nila ng pansin ang kapayapaan at seguridad sa lungsod.
“The beauty of bringing development to the countryside is you know that it is needed and you know that it will have its optimal results. Giving the people in the mountains the opportunity to live a life that those in the highways have long enjoyed is beyond compare,” ayon kay Moreno.