Kalaguyo ni misis kinatay ni mister

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  - Dahil sa ingay ng magkalaguyo sa pakikipag-sex, nabisto ang relasyon ng dalawa makaraang pagta­tagain hanggang sa mapatay ng mister ang kalaguyo ng kanyang misis sa Barangay Delles, bayan ng Burgos, La Union kamakalawa. ?

Kinilala ni P/Supt. Silverio Ordinado Jr. , tagapagsa­lita ng La Union police ang napatay na si Ryan Banayat habang nasakote naman ang suspek na si Tirso Dulnuan, 48. ?

Lumalabas sa imbestigasyon na pauwi na ang suspek mula sa kanyang bukid nang makarinig ito ng halinghing ng babae sa bahay ng biktima.?

Nabatid na kinabahan ang suspek dahil nasa-abroad naman ang misis ng biktima kaya nangahas itong pumasok sa bahay ng biktima at usisain ang narinig.?

Dito na naghalo ang poot at panibugho ng suspek makaraang madiskubre na may ibang umaararo sa kanyang misis kaya pinagtataga nito ang biktima gamit ang bagong hasang itak.?

Inalikabok naman ang kalsada sa pagkaripas ng takbo ang kanyang misis na hubu’t hubad na lumabas ng bahay ng biktima.

Isinugod sa ospital ng mga sumaklolo ang biktima subalit idineklarang patay.

Show comments