Trike driver dinedo ng nakaalitan

QUEZON, Philippines –– Pinabulagta ang 23-anyos na tricycle driver matapos itong ratratin ng kanyang nakaalitan sa Barangay Sta. Cecilia ng bayan ng Tagkawayan, Quezon, kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Roderick Lopez habang tumakas naman ang suspek na si Nony Magantay at isa pa nitong kasama na hindi pa nakilala. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi nang pasukin ng mga suspek ang biktimang natutulog sa kanyang bahay. Nabatid na bago ang pamamaslang ay nagkaroon ng pag-aaway ang suspek at biktima kung saan nauwi sa pagbabanta.

Show comments