Suspek sa pagpatay sa UE prof, tiklo

BULACAN, Philippines – Isa sa tatlong pangunahing suspek sa pagpatay sa U.E. professor ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya sa Barangay Lawa, Meycauayan City, Bulacan kamakalawa. Sumailalim sa inquest proceeding sa kasong murder ang suspek na si Jeremiah Zamora, 29, ng Meyland Homes Subd. sa nasabing barangay at sinasabing miyembro ng Sputnik Gang habang pinaghahanap naman ang dalawa pa nitong ka­sabwat sa krimen. Sa ulat ni SPO1 Michael Sarangaya, sinalakay ng pulisya ang bahay ng suspek sa nasabing lugar matapos na makilala ito base sa artist scetch na ibinigay ng pangunahing testigo. Base sa tala ng pulisya, naganap ang pamamaslang sa University of the East professor na si Jose Randy Velayo sa kaniyang bahay sa nasabing barangay habang  nakikipag-inuman sa mga suspek.

Show comments