2 tinedyer nilamon ng ilog

MANILA, Philippines - Dalawang binatilyo ang napaulat na nawawala matapos lamunin ng malakas na agos ng tubig habang tumatawid sa Agno River, Pangasinan kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng Office of Civil Defense Region 1, kinilala ang mga biktima na sina Rodnel Justo, 15; at Ronald Perez na kapwa nakatira sa Barangay Diaz sa bayan ng Agno.

Bandang alas-2 ng hapon  nang  magkasamang tumatawid  sa Agno River ang dalawa sa gitna na rin ng masungit na panahon dulot ng Bagyong Jose.

Sa pahayag  ng mga kaibigan ng biktima na kahit malakas na agos ay naglakas-loob pa rin ang dalawang binatilyo na tumawid sa nasabing ilog.

Gayon pa man, tuluyang tinangay ng malakas na agos ang dalawang biktima kung saan nabigo naman mailigtas ng mga kasamahan dahil sa bilis ng pangyayari.

Patuloy naman ang seach and rescue operations ng mga awtoridad sa dalawang binatilyo.

Show comments