2 binatilyo pinangangambahang nalunod sa Agno river

MANILA, Philippines - Dalawang binatilyo ang pinaniniwalaang nalunod sa isang ilog sa Pangasinan matapos lumangoy sa kabila ng malakas na ulan kahapon.

Pinaghahahanap pa rin ngayon sina  Ronald Perez, 14, at  Rodnel Justo, 15, na kapwa residente ng Barangay Diaz matapos languyin ang ilog bandang alas-2 ng hapon.

Ayon sa kaibigan ng dalawa, tinawid nina Perez at Justo ang ilog kahit na malakas ang agos nito dulot ng ulan.

Pinangangambahan ng mga awtoridad na hindi kinayang languyin ng dalawa ang ilog.

Ito ang unang kaso ng pagkalunod sa Agno river ngayong taon.

Show comments