2 patay sa pananaga, pananaksak

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - – Dalawa-katao ang napaslang sa magkahiwalay na karahasang naganap sa bayan ng Balud at Masbate City, Masbate kamakalawa. Sa police report, pinagtataga hanggang sa mapatay ang 39-anyos na magsasakang si Victor Dablos ng kanyang kainumang kabaro matapos magkainitan dahil sa lupaing sinasaka ng dalawa sa Barangay Batuila, bayan ng Balud, Masbate. Naaresto naman ang suspek na si Erwin Esquilon, 30, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Samantala, napatay din ang 68-anyos na karpinterong si Emilio Martinez matapos na saksakin ng kanyang kainuman dahil sa pagkapikon sa biruan kamakalawa ng hapon sa Purok 5, Barangay Nursery sa Masbate City, Masbate. Nasakote naman ang suspek na si Eduardo Gomez, 50, magsasaka at kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Show comments