Misis dinedo sa hapag-kainan

MANILA, Philippines - Nagsilbing huling hapunan ng isang misis ang munting salu-salo ng kanyang mga anak matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa hapag kainan sa harapan ng kaniyang pamilya  sa Brgy. Sulo, bayan ng Naga, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng gabi. Sa ulat na nakarating kay P/Chief Insp. Ariel Huesca, regional PNP spokesman, naganap ang krimen sa loob ng bahay ng biktimang si Joy Tumaksi sa nasabing barangay. Ayon sa imbestigasyon, naghahapunan ang biktima kasama ang pamilya nito sa kanilang kubo nang biglang dumating ang  gunman saka isinagawa ang pamamaril sa harapan ng nag-iiyakan nitong pamilya.

 

Show comments