Mag-asawa tiklo sa buy-bust

BULACAN , Philippines   - Kalaboso ang binagsakan ng mag-asawa na sinasabing notoryus na drug pusher matapos na madakma ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation kamakalawa ng hapon sa Barangay Caingin, Bocaue, Bulacan. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Gilda del Castillo, 42, at Rodelio del Castillo, 45, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Nathaniel Villegas, nasakote ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay kung saan nagpanggap na poseur-buyer ang isang pulis. Nasamsam sa mag-asawa ang 20 plastic sachets ng shabu, at mark money na ginamit sa operasyon.

 

 

Show comments