Illegal recruiter tiklo

CAVITE , Philippines   â€“ Rehas na bakal ang binagsakan ng isang babae na sinasabing illegal recruiter matapos masakote ng pulisya sa kanyang bahay sa Barangay Sampaloc 4, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa. Pormal na kinasuhan  ng pulisya ang suspek na si Karen Cobbarubias na sinasabing nakapambiktima ng 20-katao mula sa Bualcan, Cagayan, at sa Bataan. Napag-alamang may nakabinbing anim  na warrant of arrest ang suspek, kaugnay sa kasong illegal recruitment at walang piyansa na inirekomenda ang korte.

Show comments