‘Gun-for-hire member’ itinumba

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - - Napatay ang 45 anyos na sinasabing miyembro ng gun-for-hire syndicate matapos itong ratratin ng riding-in-tandem gunmen sa Barangay Magsaysay, bayan ng Sinait, IIocos Sur kamakalawa. Kinilala ang napaslang na si Edwin “Basilio” Yadao ng Barangay Teppeng sa nasabing bayan. Base sa police report na nakarating kay IIocos Sur PNP spokesman P/Supt. Marlo Castillo, lumalabas na nilampasan ng tandem ang motorsiklo ng biktima at pinagbabaril ito. Narekober sa crime scene ang limang basyo ng cal. 9mm pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments