2 bulagta sa pamamaril

MANILA, Philippines - Dalawa-katao kabilang ang retiradong opisyal ng Philippine Air Force ang napatay habang malubhang nasugatan ang isa pa naganap na pamamaril sa harap ng bolaluhan sa kahabaan ng Marcos Highway sa Barangay San Jose Antipolo City, Rizal kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga napatay na sina Jasymar Catambay, 24, kawani ng Foremost Farm, ng Sitio Bitek, Barangay Tandang Kut­yo sa bayan ng Tanay, Rizal at si ex-2Lt. Cesar Almodovar, 59, ng Sitio Cabading, Barangay San Jose, Antipolo City.

Samantala, sugatang naisugod sa Amang Rod­riguez Medical Center si Marino Balmes, 20, kawani rin ng Foremost Farm, at nakatira sa Sitio Kalakad, Barangay Inarawan.

Sa police report na nakarating kay Rizal PNP director P/Senior Supt. Rolando Anduyan, kinompronta at binaril ni Almodovar si Balmes kung saan isinunod na binaril si Catambay sa harap ng Mang Vic’s Bolaluhan sa Sitio Quisquisan sa nasabing barangay.

Gayon pa man, tinangkang tumakas ni Almodovar sa crime scene subalit binoga siya ng di-kilalang lalaki.

Show comments