MANILA, Philippines - Dalawang armadong bandido ang napatay makaraang makipagbarilan sa tropa ng militar sa liblib na bahagi ng Barangay Kimlawis, bayan ng Kiblawan, Davao del Sur kahapon ng umaga. Bandang alas-5 ng umaga nang makasagupa ng tropa ng 10th Infantry Division ng Phil. Army ang grupo ni Daguil Capeon kung saan napatay sina Anting Peayay at isang alyas Victor. Sa record ng pulisya, ang grupo ni Capeon ay sangkot sa iba’t ibang uri ng krimen kabilang ang pag-atake sa patrol base ng militar kung saan napatay ang isang Cafgu noong Martes (Agosto 20). Narekober sa encounter site ang magnum cal. 22 rifle at shotgun.